Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni City Administrator Mike Alimurung, ang bumisitang 11 delegado ng Kaohsiung City Government sa Quezon City Hall.
Tinalakay ng dalawang lungsod ang smart city initiatives at city-to-city collaboration para sa Smart City Development, partikular na sa digital transformation at net zero policies.
Tiniyak din ni Dr. Charles Lin, Deputy Mayor ng Kaohsiung City, ang matibay na ugnayan sa pagitan ng QC at Kaohsiung City.
Dumalo sa pulong sina City Tourism Department Head Ms. Tetta Tirona, Information Technology Development Department (ITDD) Head Paul Padilla, City Engineering Head Atty. Dale Perral, Climate Change and Environmental Sustainability (CCESD) Department Head Ms. Andrea Villaroman, at Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) Representative Atty. Nats Magbalon.