Inilunsad ng pamahalaang lungsod ang #QCitytoTable bilang bahagi ng selebrasyon ng Nutrition Month ngayong Hulyo, na may temang “Healthy Diet gawing affordable for all!”
Nais nitong bigyan kahalagahan ang wastong nutrisyon tulad ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain at pagpapanatili ng healthy and active na lifestyle.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Councilor Bernard Herrera at iba pang mga konsehal at department heads ang pagbubukas ng Urban Farms Bazaar, kung saan tampok ang mga produkto ng urban farms sa Lungsod Quezon.
Ibinida naman ng mga chikiting mula sa mga daycare centers ng QC ang kanilang makukulay na costume sa ginanap na Healthy Fiesta Parada.
Nag turnover din ng Malunggay Drum Garden ang pamahalaang lungsod, sa pakikipagtulungan ng GrowQC, para sa mga city health centers.
Magkakaroon ng nutrition counseling ang City Health Department sa QC Hall lobby mula 9:00AM hanggang 4:00PM.
Happy Nutrition Month, QC!