Nagsagawa ng Leaders’ Assembly ang QC Overseas Filipino Workers & Family Circles (OFC) kasama ang European Union (EU), International Labor Organization (ILO) at QC Migration and Development Council sa pangunguna ng Public Employment Service (PESO) upang ibahagi ang kahalagahan ng mga organisasyon at pagbuo ng network ng OFWs sa QC.

Ibinahagi ng mga migrant groups ang kanilang mga mungkahi sa pamahalaang lungsod ukol sa mga nais nilang maipatupad na programa sa ilalim ng QC Migrant Resource Center. Pinakilala din ang mga Babaeng BiyaHero women OFW champions at QC migrant representatives.

Nagbigay naman ng mensahe si Mr. Mario Ronconi, Head of Unit for South Asia and South-East Asia, Mr. Christoph Wagner, EU Department for International Partnerships, at Mr. Rex Marlo Varona, National Project Coordinator, Safe and Fair ng ILO sa ginanap na assembly.