QCitizens, maaari na kayong makakuha ng libreng gamot sa pinakamalapit na health centers sa inyong lugar!

Ang Quezon City ay mayroong 66 na health centers, kung saan lahat ay mayroong medicine dispensing unit na nagbibigay ng libreng gamot para sa ubo, sipon, at lagnat, vitamins, at maging maintenance medicines tulad ng Metformin, Losartan, Amlodipine at Simvastatin.

Makasisiguro ring bago, kumpleto, at hindi mauubusan o mae-expire ang mga gamot dahil sa makabagong pharmacy management system na ipinapatupad ng Quezon City Health Department.

Computerized na rin ang sistema at madali nang mate-trace kung sino-sino sa mga residente sa komunidad ang hindi pa nakakakuha ng kanilang maintenance medicine. Maaari na rin i-deliver ang gamot para sa mga residenteng bedridden o walang kakayahang makapunta sa pagamutan.

Bukas ang mga health center para sa lahat ng mga QCitizen. Para makakuha ng libreng gamot, kailangan munang sumailalim sa check-up ng health center doctor ang residente para mabigyan ng reseta at angkop na medisina. Para naman sa mga nais makakuha ng maintenance medicine, kailangan munang mag-register sa pinakamalapit na health center.

Kapag hindi naman available ang gamot sa health center, ire-refer sila sa ating Social Services Development Department (SSDD) para mabigyan ng medical assistance.

Narito ang kumpletong listahan at contact number ng mga health center sa lungsod:
https://quezoncity.gov.ph/covid-19-watch/hospitals-and-health-centers-directory/