Opisyal na nating binuksan ngayong araw ang QC Vax Easy, ang city government online assisted booking system.

Bukod sa eZConsult at Barangay-Assisted booking, ang QC Vax Easy ang dagdag na paraan para kayo ay makapagparehistro sa #QCProtekTODO Vaccination Program.

Paalala lamang po, na ang mga nagrehistro ay makatatanggap ng TEXT MESSAGE ng kanilang vaccination schedule kapag may sapat nang supply ng bakuna ang ating lungsod.

Maaaring magrehistro sa QC Vax Easy ang mga QCitizen na nakarehistro na rin sa eZConsult o sa kanilang mga barangay.

Sa pamamagitan ng QC Vax Easy, layunin ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mapalawak ang mga paraan para ating masiguro na ang mga taga-QC o nagtatrabaho sa QC ay makapagrehistro at ating mabakunahan tungo sa population protection.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang https://qcprotektodo.ph website.

Narito ang link para makapagrehistro:
https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy