Maligayang pagbati sa mga nagsipagtapos sa tulong ng Manpower Barangay Based Skills Training Program (MBBSTP) sa ilalim ng QC Social Services Development Department (SSDD). 292 ang mga nagsipagtapos sa kasalukuyang batch.
Ang mga benepisyaryo ay tinuruan ng iba-ibang technical at vocational skills na maaari nilang magamit sa paghahanap ng trabaho. Naging katuwang ng SSDD ang Public Employment Service Office (PESO), na nagsagawa ng mini job fair para sa mga nagsipagtapos.
Kabilang din sa mga nagtapos ang mga benepisyaryong Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Bureau of Jail Management and Penology – QC Male Dormitory. Pinalawig ang naturang programa upang matuto rin ang mga PDLs habang nasa piitan at maaari nilang magamit ang skills na natutunan sa kanilang paglaya at paghahanapbuhay.
Pinangunahan nina City Administrator Michael Alimurung, QC Male Dormitory warden JSupt. Michelle Bonto, SSDD head Fe Macale, at SSDD Vocational Development Division OIC Elma Ocrisma ang paggawad ng mga certificates sa mga nagsipagtapos.