Nakiisa ang Quezon City Government sa pagdiriwang ng May Measurement Month na nagsusulong ng kahalagahan ng regular na pagmo-monitor ng blood pressure upang maiwasan ang mga dulot nitong sakit at komplikasyon.
Bilang hudyat ng pagsisimula ng nito, pinangunahan nina Mayor Joy Bemonte, kasama sina Philippine Society of Hypertension (PSH) President Dr. Deborah Ona, Department of Health – Health Promotion Bureau Director Dr. Beverly Ho, at QC Health Department OIC Dr. Esperanza Arias ang kick-off at ceremonial BP measurement sa QC Hall.
Ayon kay Mayor Joy, bilang suporta sa selebrasyon, target ng lungsod na malaman ng 150,000 adult QCitizens ang kanilang blood pressure upang mabigyan ng karampatang gamot o pang-maintenance kung kinakailangan. Ime-measure din ang BP ng lahat ng mga empleyado ng QC Hall.
Base sa datos ng PSH, Hypertension ang isa sa mga sanhi ng top 10 diseases na may pinakamataas na mortality rate. Kaya naman, iba-ibang programa ang inilunsad ng QC para maiwasan ito tulad ng pagbibigay ng libreng maintenance medicine kung saan priority ang mga senior, pagsusulong ng healthy lifestyle sa mga batang QCitizen, at pagsisiguro na sa masusustansyang pagkain lamang napupunta ang pondo ng lungsod sa pamamagitan ng QC Healthy Public Food Procurement Policy.