Isa si Mayor Joy Belmonte sa mga naimbitahang tagapagsalita sa ginanap na Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress sa Manila Hotel.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pagsusulong ng mabuting pamamahala sa pagiging competitive ng isang lungsod.

Ayon pa sa alkalde, tinitiyak ng lokal na pamahalaan ang maayos na pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor at iba pang stakeholder sa pamamagitan ng pagbibigay ng simple, transparent, at business-friendly na proseso. Kabilang dito ang pagsisiguro na bawat sentimo ng kaban ng bayan ay napupunta sa nararapat at makabuluhang programa.

Ang Quezon City ay Hall of Famer sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ng Department of Trade and Industry (DTI).