Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si C40 Cities Executive Director Mark Watts sa kanyang pagbisita sa Quezon City.

Pinag-usapan nina Mayor Joy at Watts ang iba-ibang proyekto ng lungsod para matugunan ang climate change, kabilang ang mga polisiya at programa para mabawasan ang paggamit ng plastik at ang Green Building Code.

Si Mark Watts ay isa sa mga naimbitahan ng lungsod bilang tagapagsalita sa QC Future of Work conference sa November 14.

Magkakaroon din siya ng parallel session kasama ang QC Government at British Embassy Manila para talakayin kung paano mahihikayat ang mga kumpanya upang makiisa sa pangangalaga sa kalikasan.

+4