Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang mga residente ng Brgy. Masambong na nasalanta ng bagyong #CarinaPH at habagat.
Kinumusta niya ang mga residente at pinakinggan ang kanilang mga kwento kaugnay sa nagdaang bagyo.
Nag-ikot din siya sa Masambong High School upang matingnan ang kalagayan ng paaralan, para maihanda ito sa pagbubukas ng klase.