TUGON PARA SA MANGGAGAWANG QCITIZENS!

Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang nasa 6,000 manggagawang QCitizens at kinilala ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng Lungsod Quezon.

Ibinahagi ng alkalde ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa mga workers tulad ng QC Workers’ Welfare Program ng Public Employment Service Office, na layong gawing organisado ang mga informal at skilled workers sa mga komunidad sa lungsod.

Tiniyak ni Mayor Joy na tututukan ng lungsod ang pagpapalakas ng Social Protection Programs para sa kanila at magkaroon din sila ng Social Security System, PhilHealth, at Pag-IBIG para sa kanilang kinabukasan.

Ipinangako ng alkalde sa kanyang pag-iikot sa anim na distrito, na bawat manggagawa, anuman ang sektor, ay pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan.

Nakibahagi rin sa programa sina Chief of Staff Rowena Macatao, District Action Officers na sina Mr. Ollie Belmonte, Atty. Bong Teodoro, Atty. Tommy de Castro, Atty. Zandy Zacate, Mr. William Bawag, at Atty. Mark Aldave, Councilor Mari Rodriguez, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, at mga punong barangay.

+52