Nakipagpulong ang QC Government sa mga kinatawan ng Metro Manila Film Festival upang pag-usapan ang nalalapit na Parade of Stars na bahagi ng MMFF 2022.
Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ang traffic management plan, kakailanganing security at crowd control measure, at iba pang dapat paghandaan ng QC bilang host ng Parade of Stars sa Disyembre.
Naging bukas naman ang alkalde sa lahat ng suhestyon ng komite para maging maayos ang gagawing parada.
Kasama ni Mayor Belmonte sa pulong sina QC Tourism Department OIC Tetta Tirona, at Transport and Traffic Management Department Chief Dexter Cardenas.