Mabibili na ang mga mura at fresh na meat products sa QC Happy Meat Mart!
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, City Veterinary Department Head Dr. Ana Maria Cabel, Bureau of Animal Industry Chief Planning Officer Felipe Reolalas Jr, at North Star Meat Merchant Inc Founder and CEO Anthony Ng ang opisyal na pagbubukas ng QC Happy Meat Mart ngayong umaga.
Iba-ibang cuts ng pork, chicken, at beef ang mabibili sa QC Happy Meat Mart sa mas murang halaga. May available ding fresh fruits at vegetables.
Matatagpuan ang QC Happy Meat Mart banda sa East Avenue gate ng QC Hall, sa gitna ng Civic Center C at Civic Center D. Bukas ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula 8am hanggang 5pm.
Ang QC Happy Meat Mart ay bahagi rin ng Kadiwa ng Pasko na priority program ni President Bongbong Marcos.




















