Upang magkaroon ng disenteng tirahan ang mga residente sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kasama sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jerry Acuzar at mga kinatawan mula sa DHSUD.

Tinalakay ang mga housing plan na isasagawa ng national government kasama ang pamahalaang lungsod para sa mga QCitizen ng naturang lugar.

Nakiisa sa meeting sina Chief of Staff Rowena Macatao, Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Acting Assistant Department Head Atty. Jojo Conejero, at iba pang kinatawan mula sa DHSUD at NHA.

+4