Nakipagpulong ang lokal na pamahalaan sa 1Filipino Foundation upang mas mapabilis pa ang serbisyong medikal sa mga QCitizen.
Ibinahagi ni 1Filipino Foundation Vice Chairman Steven Paul Anthony Baltao kay Mayor Joy Belmonte ang 1Life Field Hospital System na nagbababa ng healthcare services sa mga mamamayan at nagpapabilis ng proseso rito.
Kasama rin ni Mayor Joy sa pulong sina District 3 Coun. Chuckie Antonio, Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, at Persons with Disability Affairs Office chief Debbie Dacanay.