Nakipagpulong ang lokal na pamahalaan sa Break Free From Plastic (BFFP) para sa ‘Zero Waste Quezon City Hall.’ Bukod sa city hall, plano itong ipatupad sa mga parke sa Quezon City.

Ang Break Free From Plastic ay isang global movement na may adbokasiyang wakasan ang paggamit ng single-use plastics sa buong mundo.

Pinuri ng BFFP ang mga inisyatibo ng lungsod upang mabawasan ang plastic pollution sa QC, katulad ng pagbabawal ng single-use plastic sa mga fast-food restaurant, schools, at mga barangay.

Dumalo sa pulong sina Mayor Joy Belmonte, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, General Services Department head Fe Bass, Department of Sanitation and Cleanup Works of QC head Richard Santuile, at mga kinatawan mula sa Mother Earth Foundation, Health Care Without Harm, Greenpeace, Oceana, Zero Waste Europe, Global Alliance for Incinerator Alternatives, at EcoWaste.

+6