Upang mas mapalawig at mas maparami pa ang mga environment-friendly projects ng lungsod, nakipagpulong ang Quezon City Government sa British Embassy Manila.
Ipinaliwanag ni Mayor Joy Belmonte ang mga kasalukuyang inisyatibo ng lungsod tulad ng pagsusulong ng mas komprehensibong Green Building Ordinance, solarization ng mga gusali, at QCity Bus program.
Nabanggit din ng alkalde ang mga plano ng QC tulad ng rehabilitasyon ng Quezon Memorial Circle at transition ng ilang unit ng QCity Bus sa electric fleet.
Handang makipagtulungan ang British Embassy Manila sa lungsod para maisakatuparan ang mga plano ng QC sa green infrastructure.
Kasama ni Mayor Joy sa meeting sina Infrastructure and British Investment partnerships Advisor Cherrie Nuez, Foreign, Commonwealth and Development Office (FCDO) Head of Cities and Urban Development Policy Emil Ancewicz, FCDO Programme Manager, British Investment Partnerships Directorate Tim Palmer, FCDO consultants for GCIP programme Allen William at Ben Adapon, Low Carbon Energy Adviser Josephine Orense, City Administrator Mike Alimurung at mga department head.