Dumalo si Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo sa mga pagpupulong kasama ang grupong Harvest Waste at ang mga kawani ng The Hague City Government.
Ang Harvest Waste ay isang organisasyong dalubhasa sa solid waste management (SWM). Ibinahagi nila ang kasaysayan ng SWM sa Amsterdam at sa buong bansang Netherlands, at ang mga naging ambag nila dito. Ang The Hague City Government naman ay nagbahagi ng mga hamong hinaharap ng kanilang lungsod sa usaping SWM, at kung paano nila ito tinutugunan.
Iilan sa mga aral na napulot sa mga pagpupulong na ito ay ang kahalagahan ng pagtatag ng malinaw na policy direction hinggil sa pangunguna ng pamahalaan sa usaping SWM at ang kooperasyon na kinakailangan sa publiko; ang pananaliksik ng datos ukol sa dami at uri ng Solid Waste na na-ge-generate ng bawat komunidad at ng kabuohan ng lungsod; at ang paghikayat ng pakikiisa ng pribadong sektor sa mga planong pang-SWM na tatahakin ng pamahalaan, lalo na ang mga komunidad para sa waste segregation, at ang industriya ng recycling kasama na ang maliliit nating mga junk shop.