Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa konseho ng Barangay Kristong Hari upang alamin ang mga suliranin at mga kinakailangan ng kanilang komunidad.
Inihayag ni Kristong Hari Chairperson Jorge Hablo ang mga ito, kabilang ang pagko-convert ng idle land sa urban farm, at pagtatayo ng basketball court. Agad naman itong tinugunan ng alkalde.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo, City Engineer Atty. Dale Perral, District 4 Action Officer Al Flores, at Ms Cristina Perez ng Joy of Urban Farming.

