Upang matulungan sa pagkatuto ang mga mag-aaral at bilang tugon sa learning loss, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina Atty. Myrish Cadapan-Antonio at Atty. Geraldine Acuña-Sunshine, isa sa myembro ng Harvard University’s Board of Overseers.

Sa pamamagitan ng free online app na Khan Academy, maaaring mag review at magkaroon ng tutoring sessions ang mga mag-aaral sa kanilang mga subject tulad ng Math, Science, Art and Humanities, Reading and Language arts, Economics at mayroon din life skills lessons tulad ng Financial Literacy, Internet Safety, Personal Finance, at iba pa.

Nakiisa sa pagpupulong sina City Administrator Michael Alimurung, Coun. Aly Medalla, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, at Youth Development Office head Dr. Lyn Dividina.