Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina National Book Development Board (NBDB) Executive Director Charise Aquino-Tugade kasama ang mga kawani nito para sa gaganaping Philippine Book Festival sa Hunyo.

Nais ng NBDB na makipagtulungan sa Lungsod Quezon at imbitahan ang mga kabataang QCitizen, mga guro, mga estudyante at kanilang pamilya na dumalo sa tatlong araw na programang idaraos sa World Trade Center Manila.

Bukod pa rito, bukas ang NBDB na makipag-partner sa lungsod para sa iba pang mga programang may kinalaman sa libro, silid-aklatan, at paaralan sa lungsod.

Dumalo rin sa meeting si Human Resources Management Department head Atty. Noel Del Prado.

May be an image of 7 people, people studying, table and newsroom
May be an image of 5 people and text