Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa Ninja Van Philippines upang talakayin ang posibleng pagtutulungan ng Lungsod Quezon at ng kumpanya upang umalalay sa mga micro, small and medium-size enterprises (MSMEs).
Ayon sa Ninja Van, nitong 2022 ay pinasinayaan nila sa Barangay Kaligayahan sa Novaliches ang kanilang automatic packaging hub. Karamihan ng delivery services nila para sa Metro Manila at Central Luzon ay dito nanggagaling.
Bukas ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa Ninja Van bilang dagdag oportunidad sa mga MSMEs upang umasenso.
Dumalo rin sa pulong sina Small Business and Cooperatives Development and Promotion Office head Mona Yap, City Attorney Atty. Carlo Austria, Ninja Van Ph Country Head Jose Alvin Perez, Chief Commercial Officer Sabina Lopez-Vergara, Head of Legal, Security and Public Affairs Atty. Claro Paulo Ortiz, at Public Affairs Manager Rene Raneses.
