Iprinisinta kay Mayor Joy Belmonte ng French company na POMA Group ang kanilang panukalang Metro Manila cable car na ang konsepto ay batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa DOTr.
Tinitingnan ang cable car bilang tugon sa matinding trapiko at makakatulong sa mas mabilis na pagbyahe ng 30-40,000 katao kada araw.
Matapos ang dalawang taong pag-aaral, nakitang posible ang cable car corridor na babaybay sa Marikina river na nasa teritoryo ng Marikina, Quezon City at Pasig City.
Ikokonekta rin nito ang LRT2 station sa Santolan, Libis at Eastwood sa MRT 4.
Inimbitahan din nila ang alkalde na pasyalan ang Téléo urban cable car sa Toulouse, France.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Ambassador Junever Mahilum-West, Vice Consul Jackielou-Mary Gan, Commercial Counselor Katrina Banzon at Mr. Benjamin Fauchier-Delavigne ng POMA.