Abangan ang 2024 Rainbow Queen of Quezon City!

Ibinahagi ng Rainbow Pride Council kay Mayor Joy Belmonte ang kanilang mga plano para sa isasagawa nilang Rainbow Queen of Quezon City pageant.

Layon nitong isulong ang iba-ibang adbokasiya ng lungsod, partikular sa pagtataguyod ng inclusivity at safe space para sa lahat ng QCitizen.

Target isagawa ang contest sa December.

Nakiisa sa pulong ngayong hapon sina Rainbow Pride Council President Barangay West Kamias Chairperson Dondon Dacones, at QC Gender and Development TWG head Ms. Janet Oviedo.