Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang bagong CEO ng non-profit organization na Teach for the Philippines (TFP) na si Ms Mavie Almeda Ungco.
Ang Teach for the Philippines ay mahigit 10 taon nang partner ng lungsod sa pagtataguyod at pagtitiyak ng mataas na kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan.
Ngayong taon, dalawang paaralan sa QC ang isasailalim sa programa ng TFP. Layon nitong makapagbigay ng kaalaman sa mga magulang upang mas matutukan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Magbibigay din sila ng pagsasanay para sa mga magulang para madagdagan ang kanilang life skills.
Dumalo din sa meeting sina Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, at Schools Division Office Superintendent Carlene Sedilla.