Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina Ma. Rosalyn Mesina, UN Women Country Programme Coordinator at Maya Tamayo, Executive Director ng Angat Bayi.
Tinalakay nila ang mga problema patungkol sa pagsusulong ng kapakanan ng mga kababaihan sa Quezon City.
Napagkasunduang magkakaroon ng women’s summit para sa mga Women CSOs sa mga darating na buwan.
Layon nitong gabayan sila sa pagpili ng mga barangay leaders na makakatulong sa pag-angat ng kalagayan ng mga kababaihan at handang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.