Pormal nang nakipagkasundo ang Quezon City Government sa Billion Bricks Philippines Inc. para sa pagtatayo ng solar-powered net-zero na istraktura sa Barangay Bagong Silangan.
Ang itatayong gusali na mayroong parke ay may lawak na 150 sqm na maaaring magamit bilang multipurpose building, daycare center, o health facility base sa pangangailangan na komunidad.
Lumagda sa kasunduan sina Mayor Joy Belmonte, Coun. Aly Medalla, Billion Bricks Philippines President Prasoon Kumar, at Billion Bricks Philippines Vice President of Strategy Georgino Naval.