Sa Quezon City, ligtas at protektado ang mga bata!
Nakipagkasundo ang Quezon City Government sa National Authority for Child Care (NACC) para matutukan at mapaigting pa ang mga programa para sa mga batang inabuso at inabandona ng pamilya.
Mahigpit na magtutulungan ang NACC at lokal na pamahalaan para masiguro ang kapakanan ng mga batang orphaned, abused, at neglected at mabigyan ng tahanang kukupkop at magmamahal sa kanila nang lubos.
Lumagda sa Memorandum of Agreement ngayong hapon sina Mayor Joy Belmonte at NACC Executive Director Usec. Janella Ejercito Estrada, na sinaksihan nina Social Services Development Department (SSDD) OIC Carol Patalinghog, NACC Asec. Rowena Macalintal, at Regional Alternative Child Care Office – National Capital Region (NCR) officer-in-charge Danilo Gatmaitan.