Binisita ni Mayor Joy Belmonte at ng pamunuan ng MMDA, kasama ang iba pang Metro Manila Mayors, ang Headquarters ng Royal Haskoning DHV. Isa itong kumpanya na nagbibigay ng consultancy, engineering, at technology services sa larangan pangangasiwa ng tubig.
Malaki ang kanilang ambag sa pag-disenyo, pag-operate, at pag-maintain ng mga dike at canal sa buong Netherlands, at sa pag-reclaim ng lupa mula sa mga katubigan.
Napakahalaga ng tungkuling ito sa kanilang bansa, sapagkat matatandaang below sea level ang maraming bahagi ng Netherlands.