Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang mga kinatawan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Sigma, Province of Capiz para sa kanilang benchmarking activity kanina.
Ibinahagi nina City Administrator Michael Alimurung, QC Public Employment Service Office Manager Rogelio Reyes, at iba pang mga department ang mga best practices ng QC government. Kabilang dito ang pagpapabilis at pag-unlad ng mga proseso sa pamamagitan ng digitalization sa pagkuha ng permits at mga social services.
Nagpasalamat naman ang kanilang Human Resource and Management Unit head Mr. Jose Vicente Bidiones IV para sa kanilang mga natutunan sa ginanap na benchmarking.





















