Mahalaga ang pamilya sa QC!
Bilang pakikiisa ng Lungsod Quezon sa selebrasyon ng National Family Week, nagsagawa ng iba-ibang aktibidad para sa 100 pamilyang QCitizens mula sa anim na distrito ang Social Services Development Department (SSDD) ngayong araw.
Pinangunahan ito ni Mayor Joy Belmonte kasama sina Vice Mayor Gian Sotto at SSDD OIC Eileen Velasco.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy ang importansya ng pag-alalay sa bawat pamilya sa lungsod. Bahagi nito ang iba-ibang programa ng lokal na pamahalaan sa social and health services, livelihood, at education bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Upang mapalalim pa ang samahan ng mga mag-anak, nagkaroon din ng game show, family picnic, at intermission numbers. Tumanggap din sila din sila ng family food packs at grocery items, bigas, at hygiene kits.




