
Nakatanggap ng FAMILY PACK ang mga magkakasamang nagpabakuna ngayong National Vaccination Day. Ang Family Pack ay insentibo ng Quezon City Government bilang pakikiisa sa target ng National Government na makapagturok ng 6-Million doses ngayong Pebrero 10-11.
Makakatanggap ng FAMILY PACK kapag tatlo o higit pa ang magkakasamang magpapabakuna (kahit 1st dose, 2nd dose o booster).
Pwedeng kamag-anak, kaibigan, kaklase, kabarangay o katrabaho ang kasamang magpapabakuna.Kaya magtungo na sa alinmang #QCProtektodo Vaccination Site.










