Pinasinayaan na ang bagong four-storey Barangay Hall ng Barangay Central sa tulong ni District 4 Rep. Bong Suntay, kaagapay ang Quezon City Government.
Sa loob ng ilang taon, nangungupahan lamang ang konseho at mga kawani ng Central sa ibang gusali kaya malaking ginhawa ito para mas maayos at mabilis na mabigyan ng serbisyo ang QCitizens.
Dumalo sa inauguration ceremony sina Rep. Suntay, District 4 Action Officer Alberto Flores, Coun. Marra Suntay, Councilor-Elect Egay Yap, Konseho ng Central sa pangunguna ni P/B Rosa Magpayo, at iba-ibang civil society organizations.