Sumailalim sa medikal na pagsusuri ang mga bagong Persons Deprived of Liberty sa Quezon City Jail Female Dormitory, sa pakikipagtulungan ng Gender and Development (GAD) Council at DrugCheck Phils., bilang pagsunod sa QC Ordinance SP-3002 S-2021 o ang Institutionalized Comprehensive Program for PDLs.
56 PDL ang sumailalim sa libreng laboratory tests gaya ng ECG, CBC, HIV test, pap smear, urinalysis, fecalysis, pregnancy test, at drug test.
Bahagi ang medical check-up ng programang ‘No Woman Left Behind’ ni Mayor Joy Belmonte na layong magkaroon ng medical record ang mga bagong PDL para mapanatili na maayos ang kanilang kalusugan.





