Agad umaksyon ang District 3 Action Office sa panunguna ni Action Officer Tommy De Castro sa isinumbong ng isang concerned citizen na bukas at sirang mga drainage o kanal sa kahabaan ng Supa St., Brgy. Duyan-Duyan, Project 3, Quezon City.
Sa tulong ng QC Engineering Department naayos at nalagyan na ng bagong takip ang mga drainage. Ligtas at maayos nang makakadaan ang mga pedestrian at maging mga sasakyan.
Maraming salamat sa District 3 Action Office at QCDRRMO sa maagap na pagtugon.