Patuloy pa rin sa pagsasagawa ng Operation Baklas ang lokal na pamahalaan, alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11086, Section 8 (f), City Ordinance No. SP-2021 S-2010, at City Ordinance No. SP-2021 S-2013 upang mabawasan ang maling paglalagay ng mga election paraphernalia sa lungsod.
Aabot na sa 15,550 ang naialis ng lokal na pamahalaan mula sa isinagawa nitong operasyon sa anim na distrito ng lungsod.
Kasama sa operasyon ang Department of Public Order and Safety (DPOS) Traffic and Transport Management Department (TTMD), QC Department of Engineering (QCDE), Task Force Disiplina, Parks Development and Administration Department (PDAD), Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC),Task Force Streetlighting, City General Services Department (GSD), Public Affairs and Information Services Department (PAISD), Metro Manila Development Authority (MMDA), at Quezon City Police District (QCPD).
Muling ipinapaalala sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal na magpaskil sa mga sumusunod na lugar:
• Poste ng Meralco
• Pampublikong imprastraktura at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass.
Para sa anumang reklamo o concerns ukol dito, maaaring dumulog sa Helpline 122 o magpadala ng mensahe sa Quezon City Government Facebook Page.




