Patimpalak sa Pabasa
Naglunsad ang Lungsod Quezon ng patimpalak sa Pabasa ng Pasyong Mahal na nilahukan ng 15 na kawani mula sa iba-ibang departamento ng lokal na pamahalaan.
Bahagi ito ng paghahanda ng lungsod para sa nalalapit na Semana Santa.
Pinangunanahan ito ni Human Resources Management Department (HRMD) Head Atty. Noel Del Prado, kasama sina National Artist for Literature Virgilio Almario (Rio Alma), Armand Sta. Ana ng National Commission for Culture and the Arts, at artist na si Joseph Cristobal na tumayong mga hurado sa patimpalak.
Pagbati sa mga nagwagi na sina Michaela Baskinas ng HRMD bilang 1st place, nasungkit naman ni Paul De Guzman ang 2nd place ng City Budget Department, at 3rd place naman si Perla Balancio ng Department of Public Order and Safety.
Ang tradisyon ng Pabasa ng Pasyong Mahal ay isa sa mga pamanang Filipino na iniingatan sa QC.




