Aabot sa 621 QCitizens ang nabigyan ng karagdagang puhunan para sa kanilang negosyo, sa pamamagitan ng Pangkabuhayang QC program ng Quezon City Government.
Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang mga benepisyaryo na iparehistro ang kanilang mga negosyo sa Business Permits and Licensing Department (BPLD) para mabigyang prayoridad sa mga programa at serbisyong nakalaan para sa kanila.
Patuloy din ang pag-alalay ng lokal na pamahalaan sa mga QCitizen entrepreneur sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay para sa mas mainam at maayos na pamamahala ng kanilang pinagkakakitaan.
Katuwang din ng lungsod sa Pangkabuhayang QC ang DTI, Go Negosyo, GCash, SariSuki, Enstack, Rebisco, Globe at MERALCO.