Aabot sa 500 QCitizen families ang graduate na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)!

Ang mga 4Ps graduate ay mayroon nang sariling pagkakakitaan, stable na pagkukuhanan ng income, at nakapagtapos na ang mga anak sa kolehiyo.

Kahit nagtapos na sa programa ng DSWD, patuloy pa ring aagapay ang Quezon City Government sa mga residente, sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba-ibang serbisyo tulad ng karagdagang puhunan para sa negosyo.

Nagbigay din ang lungsod ng Go Bags, Welfare bags, at urban farming kits.

Nakiisa sa programa ng kanilang pagtatapos sina Coun. Joseph Juico, Social Services Development Department (SSDD) OIC Carol Patalinghog, Department of the Interior and Local Government (DILG) QC Field Office Director Manny Borromeo, at Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap.

+9