Dumalo ang nasa 2,038 na mga Civil Society Organizations mula sa 12 sektor ng lungsod sa ikalawang araw ng General Assembly para sa Quezon City People’s Council kaninang umaga.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng ‘inclusive growth’ kung saan kasama ang lahat ng mga QCitizen sa pag-unlad. Unang hakbang ang pagkakaisa ng mga organisasyon at pakikipagtulungan nito sa lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang hangad ng bawat sektor.
Dumalo rin sa pagpupulong sina Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Atty. Margarita Gutierrez, DILG- QC Director Manny Borromeo, District III City Councilor Antonio Gabriel L. Reyes, City Secretary to the Sanggunian Atty. Thomas Alferos, at Barangay Community Relations Department Head Ricky Corpuz, City Planning & Development Department Head Arch. Pedro P. Rodriguez, at si dating konsehal Jorge Banal.