Binisita ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang mga evacuation site sa lungsod upang alamin ang kalagayan ng mga persons with disabilities (PWD).
Namahagi rin ang opisina ng assistive devices tulad ng wheelchair, white cane, blind stick, at crutches.
Natanggap ito ng mga PWD evacuees mula sa Brgy. Bagong Silangan, Brgy. Tatalon, Brgy. North Fairview, Brgy, San Bartolome, at Brgy. Bagbag.
Patuloy na mag-iikot ang PDAO sa iba pang evacuation sites sa lungsod upang umalalay sa pangangailangan ng mga PWD evacuees.



