Upang mabigyan ng dagdag-kaalaman ang mga kabataang QCitizen tungkol sa responsible pet ownership, nagsagawa ang Quezon City Veterinary Department ng pet education seminar sa mga mag-aaral.
Nasa 112 senior high school students mula St. Theresa’s College ang dumalo sa seminar upang mapalawig ang kanilang kaalaman tungkol sa rabies, responsible pet ownership, at animal adoption sa QC Animal Care and Adoption Center.
Noong nakaraang linggo, nagtungo naman ang mga architecture student mula United Architects of the Philippines – Students Auxiliary sa Adoption Center.