Upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataang QCitizens, inilunsad ng Philippine Business for Education (PBEd) ang JobsNext sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government.

Sa ilalim ng programa ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga young adult edad 18 hanggang 25 na sumailalim sa iba-ibang skills training program. Ito ay para mapalakas ang kanilang kakayahang makapagtrabaho.

Kasama sa mga dumalo sa launching sina City Administrator Mike Alimurung, Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, Coun. Aly Medalla, PBEd Program Manager for Workforce Development Ms. Florence De Castro, QC Youth Representative Ms. Denie Leanne Fruto, QCPESO Assistant Department Head Mr. Alex Macabulos, Quezon City University Vice President For Academic Affairs Dr. Bradford Antonio Martinez, PBEd Executive Director Ms. Justine Raagas at Citi Philippines Head of Corporate Affairs Ms. Rodora “Dorski” Granada.