Nagparehistro na si Mayor Joy Belmonte ng kanyang Philippine Identification System ID (PhilID) mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa Quezon City Hall ngayong araw.
Dumaan din ang Alkalde sa proseso nito na inabot lang ng 5 minuto. Nai-register na rin ang kanyang demographic at biometric information sa PhilSys.
May apat na PSA booths na makikita sa City Hall na handang magbigay serbisyo sa mga QCitizens mula Lunes hanggang Sabado.
Ito ay nasa National Bureau of Investigation satellite office, sa Office for Senior Citizens’ Affairs, sa Business Permits and Licensing Department, at mayroong booth na malapit sa Flagpole.
Inihahanda na rin ng lokal na pamalahaan na maibaba ito sa mga komunidad sa QC sa pamamagitan ng QC Services Caravan na umiikot sa mga barangay ng bawat distrito sa Lungsod Quezon.




