Nakiisa ang mga QCitizen kids mula sa Barangay Pansol at Loyola Heights sa 2-day pop-up workshop ng Vivita Philippines at Alon Akademie na inilunsad sa Lungsod Quezon.
Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Ilan sa mga tinalakay ay ang Vivita robotics, paggawa ng stop motion and digital art, shirt printing gamit ang heat press, at 3D printing.
Tinuruan din sila ng arts and crafts kung saan gumawa sila ng mga plushies, polymer clay and jewelry, at button pins.
Layon ng lokal na pamahalaan na mas mapalawig pa ito sa buong QC at mailapit ang innovative workshop na ito para sa mga QC youth at students.
Kasama ng alkalde sa pagbisita sina Education Affairs Unit Maricris Veloso at Local Economic Investment Promotions Office head Jay Gatmaitan.