Patuloy na naitala ang mas mababang bilang ng bagong kaso sa lungsod, ayon sa OCTA Research. Salamat QCitizens sa patuloy na pag-iingat at pagsunod sa minimum health and safety protocols.
Bumaba rin sa 17% ang positivity rate ng lungsod mula sa 25% noong nakaraang linggo. Ang positivity rate ay patungkol sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.
Ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay mas mababa rin sa 0.42.
Ipinapakita ng numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus. Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.