TAGUMPAY NG QC! 🏆

Hindi pa natatapos ang taong 2023, muli na namang nakatanggap ng parangal ang Lokal na Pamahalaan sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) dahil sa mga inklusibong programa ng QC para sa urban poor sector.

Ipinagdiriwang din ngayong unang linggo ng Disyembre ang Urban Poor Solidarity Week (UPSW).

Bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, sina QC Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Ramon Asprer at HCDRD Acting Asst. Department Head Atty. Jojo Conejero ang tumanggap ng PCUP UPSW 2023 “Natatanging Lingkod Maralita” Award for Best Local Government Unit (LGU) para sa Lungsod Quezon.

Bahagi ng 14-point agenda ni Mayor Joy ang pagtugon sa mga nangangailangang residente ng lungsod. Kabilang dito ang pagbibigay ng maayos at epektibong social services tulad ng pabahay, healthcare, high-quality education, pagiging ligtas na lungsod, at ang pagpapalakas ng bawat sektor sa QC.

Present din sa programa sina PCUP Chairman Elpidio Jordan Jr., Supervising Commissioner for Luzon Atty. Andre Tayag, Supervising Commissioner for Visayas Paolo Guanco, Supervising Commissioner for Mindanao Remedios S. Chan, at Supervising Commissioner for NCR Reynaldo Galupo.

+2