Tuloy-tuloy ang libreng sakay hatid ng ating Q City Bus para alalayan ang mga maaapektuhan ng transport strike na ikakasa ng grupong Manibela bukas, Miyerkules, November 22, 2023.
Magde-deploy ng karagdagang Q City Bus ang lokal na pamahalaan sa lahat ng ruta para maserbisyuhan ang mga posibleng ma-stranded na pasahero.
Magpapakalat din ng traffic enforcers mula sa Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang alalayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike.