Sulong, kababaihan!
Iginawad ng pamahalaang lungsod ang 2024 Gawad Tandang Sora kay Dr. Judy Taguiwalo bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan.
Isang social worker, activist, at propesor –si Dr. Taguiwalo ay aktibo sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan, manggagawa at mahihirap.
Siya rin ay nagsilbing kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong 2016-2017.
Nanguna sa pagbigay ng pagkilala si Mayor Joy Belmonte kasama ang Gawad Tandang Sora committee, habang nakibahagi rin sa pagbibigay-pugay kay Dr. Taguiwalo sina District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, city councilors, Barangay Tandang Sora Chairperson Marlou Ulanday, Asst. City Administrator Rene Grapilon, District Action Officers, at department heads.
Ang Gawad Tandang Sora ay ibinibigay sa mga natatanging kababaihan na nagpamalas ng mga katangian ni Melchora “Tandang Sora” Aquino.