Inaksyunan ni QC District 1 Action Officer Oliviere “Ollie” Belmonte sa tulong ng mga tauhan ng Task Force for Transport and Traffic Management (TF-TTM), ang reklamo ng isang concerned QCitizen sa Quezon City FB page ukol sa mga nakaharang o obstruction sa bangketa sa kahabaan ng Corregidor St. sa Barangay Ramon Magsaysay.

Agad nakipag-ugnayan ang mga enforcer ng TF-TTM sa Barangay Ex-O at Barangay Public Safety Officers (BPSO) at inatasan ang mga residente na tanggalin ang mga nakaharang sa sidewalk.

Samantala, tatlong motorista naman ang natiketan dahil rin sa kasong obstruction.

Maraming salamat sa mga enforcers ng TF-TTM, Barangay Ex-O, at BPSO sa maagap na pag-responde sa hinaing ng ating QCitizen.